Monday, May 31, 2010

Katolikong Kabataan!


Mabuhay!

Welcome sa Katolikong Kabataan! Ito ang blog ng makabagong Kabataang Katolikong Pinoy! 
Ang layunin ng blog naito ay upang magbigay ng kaalaman, mga balita ukol sa simbahan, mag usap tungkol sa buhay Kristyano ng mga Kabataang Pinoy. Dahil sa makabagong panahon, maraming bagay ang ating nakikita at nalalaman. Karamihan ay tungkol sa karahasan at kaguluhan, mga problema at minsan ay mga intriga at skandalo. Panahon na upang gamitin ang teknolohoya upang makatulong at humubog sa pagkatao.

Ang blog na ito ay hangad ang pag-lago sa kaalaman at pananalamin sa sarili ng mga Kabataang Pinoy na humaharap sa hamon ng makabagong panahon. Nawa ay magsilbi kaming daan upang lalong dumami ang mga Kabataan sa pag-mamahal at gabay ng Diyos. 
Abangan ang mga susunod na post at tumutok lagi sa Katolikong Kabataan o KatKab! kita kits!